
Tandang tanda ko pa yun official first job ko pagkatapos magkalakad sa stage ng PICC; magsmile sa camera; makakuha ng dummy diploma at mag selfie kasama ang college friends. Nasa Events and Marketing ako nun. Excited kasi official at legit na unang trabaho paglabas ng eskwela. Sabi nga ng mga nauna sa akin, maliit lang ang percentage ng mga fresh graduate na nagtatagal sa unang trabaho nila. Eventually magre-resign daw ito o kaya naman tatapusin lang ang kontrata tapos maghahanap ng ibang trabaho. Mare-realize daw kasi nila na hindi yung ang trabahong gusto nila o kaya naman maliit ang sweldo, walang satisfaction, hindi na regular sa trabaho, ayaw sa mga ka-officemates, o hindi lang talaga fulfilled sa trabahong nakuha.
Isa ako sa mga taong yon. Akala ko kaya kong tapusin yung kontrata ko. Tough ride yung first employment experience ko. Ibang iba sa expectations ko at ibang iba sa mga past employment experience ko nung estudyante palang ako. Wala akong self-satisfaction at hindi ko gusto yung trabaho ko. Kaya ang ending, I messed everything. I failed but that didn't made me a failure. So I geared up my courage, find the path and my calling, and was redirected by the Author of my life.
Ngayon, I'm happy and fulfilled sa current job ko. I'm highly favored. At dahil balak kong mag aral ng MA next year, kelangan kong mag doble kayod. Hehe. If God would enable me to do so, I will. Kapag may mga gusto ka talagang mga bagay o gawin sa buhay, you have to do something about it. I know that God will supply all my needs and wants (if He would permit so) according to His riches and glory. Hehehe. Gustong gusto ko muling mag-aral. I am chasing after my dream at kelangan kong mag MA para makamit yun. Exciting times! Hehe.
So ngayon, doble kayod muna ako.
Love lots,
Eunice
PS. Sana may natutunan ka sa pagbasa nito. Hehe. God bless you!
So ngayon, doble kayod muna ako.
Love lots,
Eunice
PS. Sana may natutunan ka sa pagbasa nito. Hehe. God bless you!
Walang komento:
Mag-post ng Komento