Blogging.Sharing. Inspiring. Encouraging.Living for Him.

,

MALAYANG PAGTATANONG. ISANG TALUDTURAN.



PAKALMAHIN ANG SARILI. WAG MAGPADALA SA BUGSO NG DAMDAMIN.

MALAMANG AY MASAMA DIN ANG LOOB NYA AT HINDI PA SYA HANDANG MAKIPAG USAP.

HUWAG UNAHIN ANG SARILING GUSTO, LALONG HINDI LANG KAYO MAGKAKAAYOS.

PERO ANO NGA BA ANG SUKDULAN NG PAG-IBIG?

GANITO BA DAPAT O KAILANGAN ISAALANG-ALANG ANG KAHIBANGAN KO?

NAKAKAPAGOD MAG ISIP. AYOKO NA.

GUSTO KO NALANG IHIGA ITO, ITULOG.

IBALING ANG PAG IISIP SA IBA PANG MGA IMPORTANTENG BAGAY.


AT MULI, INIIWASAN KONG BANG MARESOLBA ANG PROBLEMA?

AKO LANG BA O KAMING DALAWA?

AKO MAN ANG NAG UMPISA NG APOY PARA MAG AWAY, AKO LANG BA ANG MAY KASALANAN?

MAS IMPORTANTE BANG MALAMAN KUNG SINO ANG NAGKAMALI AT MAY PAG KUKULANG PARA MAAYOS ANG PROBLEMA O AND AMININ NA AKO AY MAY PAGKAKAMALI AT HUMIHINGI NG TAWAD?

MAAYOS BA NG PAG HINGI NG KAPATAWARAN ANG PROBLEMA?

OO.

ITO ANG SAGOT KO NGUNIT...

ANG PAG HINGI BA NG TAWAD ANG MAGPAPABABAGO NG PAGKILOS PARA MAIWASAN NANG MAULIT ANG NAGING SANHI NG PROBLEMA?


TIGNAN ANG SARILI, SUNDAN ANG MGA BAKAS NG PAG UUGALI. SIGURADO AKO SA SARILING MAY DAPAT AYUSIN AT BAGUHIN.


INIISIP KO KUNG GAANO ITO BA ITO KADALAS? NAGING BAHAGI NA BA ITO NG AKING SARILI?

MAAALIS KO BA ITO?

KAILAN KO MABUBURA ANG PAGIGING MAGAGALITIN, MAINISIN, AT KAWALAN NG PANG UNAWA?

MAY MAS MALALIM BA ITONG UGAT? DAPAT BANG ISISI ANG LAHAT SA KEMIKAL NA INILALABAS NG UTAK?

EHERSISYO. PAGPAPALIT NG PAGKAIN. PAG IISIP NG MAGANDANG MGA BAGAY. LAHAT ITO NAGAWA KO NA.

PERO HINDI PA DIN NA RERESOLBA ANG SARILING MULTO.

PAANO BA?

MAAAYOS KO BA ITO NG MAG-ISA O KAILANGAN KO DIN NG TULONG NYA?

SA LAHAT BA NG PAGKAKATAON AY AKO LANG AKO MAG AAYOS SA SARILI KO O DAPAT KO DIN IKONSIDERA NA MAY BAHAGI DIN SYA SA LAHAT NG ITO.

TAMA NA ANG PAG IISIP. NAKAKAGOD. NAKAKAWALA NG LAKAS.

ALAS NUEBE PALANG NG UMAGA, MAHABA PA ANG ARAW. TAMA NA ITO.


Share:

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento